the tale of the s-2pid love
the tale of the s-2pid lovewhat better way to spend the most boring weekend of the year but in the most boring place on earth: the hot wilderness of poblacion, san isidro, nueva ecija. i tell you, the heat translates to vision. you know, when your vision gets distorted and all?
it was black saturday. christ was dead. for lack of things to do (throwing sordid stares at the old portraits was getting lame, and my weird cousins sleep at night and wake up during the day--can you imagine???), i indulged and accepted the son of our katiwala's invitation to get drunk somewhere. that's when my night turned into a lino brocka movie.
(at this point, i deviate from my usual english banter sapagkat sadyang mas babagay ang filipino sa adventure na to.)
At iyon na nga. bigla ko na lamang nakita ang aking sariling binabatgas ang gilid ng highway. maalikabok, mainit ang hangin at madilim. malayo-layo din ang lugar. siguro para akong naglakad mula gale hanggang shang. "lampas lang ng konti sa pangalawang Caltex, sa tapat ng Flying-V," sabi nga ni k. (ang anak ng katiwala. kasama din namin yung anak ng isa pa naming katiwala na tatawgin ko namang j)
gusto kong isipin nyo to: isang mala-bahay kubo pero lupa ang sahig. sa may bintana may mga kumukutikutitap na pulang krismas lights na korteng bulaklak. bukod doon at sa higanteng videoke machine, wla nang ibang pinanggagalingan ng ilaw. Nabanggit na rin lang ang videoke machine, syempre ano pa nga bang tugtog ang sinasabayan ng isang probinsyanang pokpok kundi "paint my love." at gaya nga ng sabi ng pulang dingding sa entrada: welcome: s-2pid love resto and videoke.
naupo na kami ni k, nilatagan ng maliit na tansong balde yung mesa. tiningnan ko: may lamang hielo. sumunod ang mga pale pilsen. sing init ng laway. kaya pala laging nagbibigay ng hielo. huling dumating ang mga baso.
si j, dumeretso sa likod ng kaha at nanligaw. mamaya, malalaman kong sinagot na sya. karay-karay ang isang karton na galing sa ream ng yosi, may nakasulat na "i love you. ingat." galing kay anna joy. gusto kong sabihin kay j na propesyon ni anna joy ang magpaligaw. pero kilig na kilig ang mokong, kaya nakisakay nalang ako.
itutuloy...
(syet ang hirap managalog!!!)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home